Mga sangkap
- 500 gramo ng hiniwang kalabasa
- 1 lata ng sardinas
- 2 1/2 kutsara ng toyo
- 3 piraso ng bawang, hiniwa ng maninipis
- 1 piraso ng sibuyas, hiniwa ng maninipis
- 1 malaking piraso ng kamatis, hiwain ng malilit
- 1 lata ng tubig, gamit ang pinagbuksan na lata ng sardinas
- kaunting durog na paminta
Pamamaraan sa pagluto
- Sa isang kawali, painitin ang isang kutsara ng mantika at igisa ang sibuyas. Isunod ang bawang at kamatis at hayaang maluto ng isang minuto. Idagdag na din ang hiniwang kalabasa. Haluin at takpan.
- Pagkatapos ng dalawang minuto, idagdag ang sardinas, toyo at durog na paminta. Haluin ulit, takpan at hayaang kumulo ng mga isang minuto.
- Idagdag ang tubig at hayaang kumulo hanggang maluto ang kalabasa. Huwag hayaang malamog.
Mga tala
- Kung gusto n’yo ng kaunting anghang, puwede magdagdag ng chili flakes
- Puwede din magdagdag ng iba pang gulay
Ginawa mo rin ba ang resipe na ito?
I-tag ako @theintrovertkitchen sa Instagram at i-hashtag ito #theintrovertkitchen